Posts

Showing posts from April, 2021

Gunita (Recall)

Image
  Kung may isang bagay man na nais kong ibalik ay ito ‘yun. Mga panahon na alam kong may babalik na sagot at hindi katahimikan Hindi isang paliwanag sa kung paano mo nahanap ang sarili at sa hindi mo pag atubiling humakbang,   Mga sandaling alam ko na mayro’n naghihintay sa akin sa umaga at magpapaalala na nandiyan ka pa,   Mga yakap at halik na alam kong akin at hindi na kailangan ng tanong kung para saan, o Hindi sa mga kwento sa kung paano tayo nagsimula o natapos   Kung may isang bagay man na nais kong sabihin ay ito ‘yun. Maaaring lumipas na sa’yo ang tagpo na sa akin ay nanatili, siguro nga ay sinusundan ko pa rin ang mga bakas na iniwan mo—mga alaala. Hinahanap ang sarili sa mga panahon na nagkulang at pilit hinahabol ang kahapon upang punan.   Hinahanap ka pa rin sa pagitan ng mga sandali; mga storyang paulit-ulit kong binabalikan at kung dumating man ako sa katapusan ay pipikit akong muli at sasariwain ang iyong gunita.   At...